Nai-award na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang 934.21 million pesos na Leyte Port Development Project sa MAC Builders Corp.
Ayon sa notice of award, ibinigay sa Leyte-based construction company ang kontrata para sa pagtatayo ng bagong port sa bayan ng Babatngon.
ALSO READ:
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ipinaalala ng PPA na ang kabiguan ng kumpanya na makapag-perform alinsunod sa kontrata ay ground para kanselahan ang award.
Noong Abril ay sinimulan ng PPA ang pag-iimbita ng bids para sa development ng Port of Babatngon na inaasahang makukumpleto ang konstruksyon sa loob ng dalawang taon.
