Nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group- Manila District Field Unit katuwang ang Department of Trade and Industry ang mahigit 9.7 million na halaga ng illegal vape products sa sinalakay na warehouse sa Binondo, Maynila.
Sa nasabing operasyon, nadakip ang isang Chinese National na si Lu Yao – may-ari ng warehouse at ang Pinoy na trabahador na si alyas “Nardo”.
Nakumpiska mula sa warehouse ang 168 master boxes at 7,100 na piraso ng assorted vape products.
Ayon sa CIDG, ilegal ang pagbebenta ng vape products ng mga suspek dahil wala itong taglay na packaging health warnings at hindi rin ito nakasunod sa product requirement ng DTI.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act at Republic Act No. 7394 o Consumer Act of the Philippines.




