WALO ang patay habang walumpu’t anim ang nasugatan sa pagsabog sa isang Oil Terminal sa Conakry, na kabisera ng Guinea.
Nagdulot ng pagyanig sa Kaloum Administrative District sa downtown ang pagsabog sa Main Oil Terminal sa West African Nation, at nagresulta sa pagkabasag ng mga salaming bintana sa mga kalapit na kabahayan at paglikas ng daan-daang residente.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang sanhi ng pagsabog sa fuel depot.