ITINAKDA ng Metro Manila Council ang limang libong pisong (P5,000) multa sa sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, inilabas ang resolusyon ng MMC matapos ang pulong kasama ang Metropolitan Manila Development Authority.
ALSO READ:
PWD Detainees, nakaranas umano ng Torture sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District
Manila district engineer, pinagpapaliwanag ng DPWH hinggil sa mga iregularidad sa Sunog Apog Pumping Station
Flood Control Facility sa Maynila, ininspeksyon ng ICI
Mga nanggulo sa rally sa Maynila, sasampahan ng patong-patong na kaso – Mayor Isko
Para sa lahat ng lungsod sa Metro Manila, 5,000 pesos ang multa sa pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar gaya ng sa mga ilog, creeks, o waterways.
Para naman sa nag-iisang munisipalidad sa NCR na Pateros, itinakda sa 2,500 pesos ang multa.
Inaasahang magpapasa ng ordinansa ang bawat mayor sa NCR para sa pormal na pagpapatupad ng kautusan.