Nagtaas na ng Red Alert status ang Disaster Response Command Center ng Department of Social Welfare and Development dahil sa inaasahang paglakas pa ng bagyong Nando.
Sa pagtaya kasi ng PAGASA, posibleng umabot hanggang sa Super Typhoon category ang bagyong “Nando” pagsapit ng Lunes, September 22.
Tinyak ng DSWD na patuloy ang pagbabantay nito sa update sa bagyong Nando at nakikipag-ugnayan sa mga concerned national agencies, local government units, at Field Offices.
Ayon sa DSWD, lahat ng kanilang field office ay nakaalerto para sa agarang deployment ng kanilang Quick Response Teams, pag-activate ng Camp Coordination and Camp Management operations, at prepositioning ng Food and Non-Food Items.
Inihahanda na din ng ahensya ang deployment ng kanilang disaster response vehicles at mga gamit para sa mabilis na paghahatid ng tulong sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.




