15 March 2025
Calbayog City
Local

P40M na Multipurpose Warehouse, itatayo sa Allen, Northern Samar

MAGTATAYO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 40 million pesos na Multipurpose Satellite Warehouse sa Allen, Northern Samar upang pag-imbakan ng essential food packs at iba pang relief materials.

Sinabi ni DSWD Eastern Visayas Regional Director Grace Subong, na nagsagawa na ng groundbreaking ng proyekto noong lunes para sa warehouse na maaring paglagyan ng food packs at iba pang materyales para sa may tatlumpung libong pamilya.

Ayon kay Subong, ito ay upang matiyak ang mabilis at maayos na pamamahagi ng tulong sa panahon ng pangangailangan.

Aniya, ang warehouse ay mayroon ding office space, staff quarters, at kakayahan na makapag-imbak ng libo-libong food packs.

Target na makumpleto ngayong taon ang pasilidad na magsisilbi sa mga pamilya sa Northern Samar na madalas maapektuhan ng baha tuwing mayroong bagyo o sama ng panahon.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *