22 October 2025
Calbayog City
National

P35 na dagdag sa minimum wage sa NCR hindi sapat para sa mga manggagawa

minimum wage

Bagaman isang positibong hakbang ng dagdag na P35 sa minimum wage sa Metro Manila ay hindi ito sasapat para sa araw-araw a gastusin mga manggagawa.

Ayon kay Atty. Filemon Ray L. Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, isinaalang-alang din ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa pagppasya sa wage hike ang kakayahan ng mga employer.

Sinabi ni Javier na sa mga susunod na dagdag pasahod, dapat ay sapat na para sa mga nagtatrabaho, at “sustainable” o mapapanatili at masusuportahan ng mga employer at nagnenegosyo.

Mas mainam din aniya kung magkakaroon ng regular at napapanahong pagsusuri at pagdagdag sa minimum wage rates. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.