14 March 2025
Calbayog City
Local

P30 na dagdag sahod ng mga manggagawa sa Eastern Visayas epektibo na sa Nov. 30, 2023

SIMULA sa Nov. 30, 2023 madaragdagan ng P30 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Eastern Visayas

Sa bisa ng Wage Order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa rehiyon, mula sa kasalukuyang P375 ay magiging P405 na ang minimum wage sa rehiyon para sa non agricultural sector at mga establisyimento na mayroong higit sa 11 manggagawa.

Mula naman sa kasalukuyang P345 ay magiging P375 na ang minimum wage sa agriculture sector at mga establisyimento na mayroong 10 empleyado at pababa. Kasama ding tataas ang sweldo ng mga Domestic Workers o kasambahay sa rehiyon.

Simula sa Nov. 30, magiging P5,500 na ang buwanang sweldo ng mga kasambahay sa mga chartered cities at first class municipalities habang P5,000 naman sa iba pang munisipalidad.

(DDC)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *