TINIYAK ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa publiko na walang fare increase sa lahat ng local transport sa lungsod sa kabila ng pagsirit ng presyo ng oil products.
Ginawa ng alkalde ang pagtiyak, kasunod ng pakikipagpulong nito sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) para talakayin ang Fuel Subsidy Program ng lungsod.
Ginanap ang pulong kahapon sa City Mayor’s Office Conference Room, kung saan nagtipon-tipon ang mga grupo ng TODA mula sa Ipao, Trinidad (Sabang), Oquendo, Tarabucan, Pilar, Tinambacan, at Sta. Margarita.
Binigyang-diin ng kanilang partisipasyon ang commitment ng transport community na gawing abot-kaya ang pasahe at palakasin ang kooperasyon kasama ang city government.




