INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging available na sa mas maraming palengke sa bansa ang P20 Per Kilo Rice Program ng pamahalaan.
Sa aniyang latest vlog sinabi ng pangulo, ang P20 per kilo na bigas ay nabibili sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo Outlets at available lamang sa Vulnerable Sectors ay bahagi ng hakbang ng gobyerno para mapalakas ang Agriculture Sector.
Layunin din nitong masiguro ang Food Security ng bansa.
Ang “Benteng Bigas Meron Na! (BBM)” ay bahagi ng Campaign Promises ni Pangulong Marcos para matulungan ang publiko sa nagtataasang presyo ng bilihin lalo na ng pagkain.
Target ng pamahalaan na mas mapalawak pa ang sakop ng murang bigas na sa ngayon ay ibinebenta lamang muna sa mga Senior Citizens, Solo Parents, Persons with Disabilities, Indigent Families, at Minimum Wage Earners.




