BISTADO sa buy-bust operation sa Sorsogon ang hinihinalang shabu na nakasilid sa tea bags.
Ayon sa report, nasa dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng labing dalawang milyong piso ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dalawang high-value target sa Matnog Port.
Ang mga chinese tea bags ay vacuum-sealed at nakabalot pa sa isang parcel.