KABUUANG 10.6 million pesos ang ipinagkaloob ng Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang Pilipino na nag-uwi ng medalya mula sa Asian Games sa Hangzhou, China. Iniabot ng POC ang cash bonuses sa kanilang general assembly sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque City.
Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino na wala silang tinalakay na anumang paksa at namigay lamang sila ng incentives sa kanilang Christmas party.
Nakapagtala ang bansa ng apat na ginto, dalawang silvers, at labindalawang bronze medals sa nagdaang ng Quadrennial Tournament.