ISA punto pitong milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang suspek na naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcment Agency (PDEA), sa Datu Odin Sinsuat, sa Maguindanao Del Norte.
Ayon kay Gil Cesario Castro, Director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nasamsam mula sa dalawang drug suspects ang one fourth kilo ng shabu sa entrapment operation sa kahabaan ng highway sa Barangay Makir.
Sinabi ni Castro na bukod sa shabu, kinumpiska rin ng mga otoridad ang Honda XRM Motorcycle ng mga suspek na ginagamit nila sa pagbiyahe ng iligal na droga sa kanilang mga buyer sa Datu Odin Sinsuat at sa iba’t ibang barangay sa Cotabato City.