DALAWANG Philipine Tree Squirrels ang namataan sa kagubatan ng Ormoc City sa Leyte ngayong buwan ng Mayo.
Ang Philippine Tree Squirrel o kilala sa tawag na “Kulagsing” ay matatagpuan sa Visayas, gaya sa Bohol, Leyte, at Samar; at sa ilang bahagi ng Northern Mindanao, gaya sa Surigao.
ALSO READ:
150-million peso facility, itatayo para paluwagin ang Tacloban City Jail
Matarinao Bay sa Eastern Samar, apektado pa rin ng Red Tide
Increase sa incentives ng BHWs, inaprubahan sa Northern Samar
DILG, muling nanawagan sa barangay officials na paigtingin ang hakbang sa disaster preparedness sa Eastern Visayas
Naispatan ang dalawang kulagsing sa isinagawang biodiversity monitoring sa Tongonan, Ormoc City noong Mayo a-kinse.
Ayon sa uploader ng video na si Ronelmar Aguilar, regular silang nagsasagawa ng Information Education Campaign sa lugar, simula nang may maispatan silang mga squirrel, at nagkasa rin sila ng drone patrol upang mahikayat ang mga residente na protektahan ang naturang hayop na endemic sa Pilipinas.
