LIMANG dating rebelde ang tumanggap ng cash assistance sa pamamagitan sa Local Social Integration Program (LSIP) mula sa City Government ng Borongan sa Eastern Samar.
Ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ay tumanggap ng tig-limampunlibong piso mula sa City Government, na iniabot nina Mayor Jose Ivan Dayan Agda; Brig. Gen. Noel Vestuir, 802nd Infantry Brigade Commander; at Lt. Col. Joseph Bugaoan, Commander ng 78th Infantry Battalion.
Sinabi ni Agda na todo ang kanilang suporta sa reintegration process ng mga dating rebelde, saan mang bayan sila nagmula.
Ilan sa mga ito ay mga residente ng Giporlos, Eastern Samar; Hinabangan, Samar; at General Mcarthur sa Eastern Samar.