27 March 2025
Calbayog City
National

5 katao, iniulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Aghon, ayon sa Office of Civil Defense 

LIMA ang naiulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan bunsod ng pananalasa ng bagyong Aghon, ayon sa Office of Civil Defense.

Sa press briefing, sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na bina-validate pa ang mga casualties.

Aniya, kinabibilangan ito ng apat mula sa CALABARZON, kabilang ang isang bata at isa sa Region 10.

Pito naman aniya ang nagtamo ng injuries dahil sa bagyo, kabilang ang apat mula sa Legazpi, Albay.

Magkakamag-anak umano ang mga ito na nabagsakan ng puno habang lulan ng tricycle.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *