Tinapos na ng Philippine Air Force ang isa pang kabanata ng kanilang pitumpu’t pitong taong kasaysayan matapos pormal na pagpahingahin na ang dalawang combat aircraft mula sa kanilang inventory, na kinabibilangan ng OV-10 Bronco at AH-1 Cobra.
Noong Sabado ay nagsagawa ang 15th Strike Wing (Trojans) ng decommissioning ceremony, sa Major Danilo Atienza Air Base, sa Sangley Point, sa Cavite.
Ang AH-1 Cobra ang kauna-unahang dedicated attack helicopter ng Air Force na donasyon ni King Abdullah II ng Jordan noong 2019.
Ang OV-10 Bronco naman na isang twin-turboprop, multi-role aircraft, ay nagsilbi sa Air Force ng halos apatnapung taon simula noong 1991.