22 November 2024
Calbayog City
National

OSG, humirit sa Supreme Court na ibasura ang petisyon na pumipigil sa paglipat ng sobrang pondo ng PhilHealth

HINILING ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court na ibasura ang petisyon na pumipigil sa paglipat ng hindi nagamit na 89.9 Billion Pesos na subsidiya ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) pabalik sa National Treasury.

Sa walumpu’t siyam na pahinang komento na inihain ni Solicitor General Menardo Guevarra, binigyang diin nito na constitutional ang DOF Circular at 2024 General Appropriations Act, dahil ang mga probisyon nito ay hindi labag sa right to health ng mga Pilipino.

Sa 89.9 Billion Pesos, nakapag-remit na ang Philhealth ng 20 Billion Pesos sa treasury noong mayo at 10 Billion Pesos noong nakaraang buwan.

Naghain ng petisyon sina Senador Koko Pimentel, Philippine Medical Association, at dating Finance Undersecretary Cielo Magno noong Aug. 2, para tutulan ang pagbalik ng sobrang pondo ng Philhealth sa National Treasury.

Itinakda naman ng supreme court sa kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon ang oral arguments hinggil sa naturang usapin. 

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.