SINAMPAHAN ng mga awtoridad ng reklamong qualified trafficking si Cassandra Li Ong at mahigit limampung iba pa kaugnay ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) Firm sa Porac, Pampanga.
Sa reklamong inihain sa Department of Justice (DOJ), inakusahan si Ong – ang authorized representative ng POGO Hub, at iba pang personalidad, ng paglabag sa Republic Act 9208, na inamyendahan sa pamamagitan ng RA 10364 at RA 11862.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi ni Presidential Ant-Crime Commission (PAOCC) Spokesperson, Dr. Winston Casio, na kabilang sa respondents si Ronalyn Baterna, corporate secretary ng Lucky South 99, at iba pang John Does at Jane Does.
Ang mga complainant naman ay kinabibilangan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PAOCC.
