29 March 2025
Calbayog City
Sports

Orlando Magic, natuldukan ang sunod-sunod na pagkatalo; Lakers, sinilat!

SINILAT ng Orlando Magic ang bumisitang Los Angeles Lakers, sa score na 118-106, sa nagpapatuloy na NBA games.

Dahil dito, natuldukan ang six-game home losing streak ng Orlando.

Nagsanib pwersa sina Franz Wagner na umiskor ng 32 points at Paolo Banchero na gumawa naman ng 30 points para mabuhat ang koponan.

Tinapatan naman ito nina Luka Doncic at Lebron James na nakapagtala ng 32 points at 24 points, subalit hindi umubra ang depensa ng Lakers sa second half, kaya umarangkada ang Magic.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).