11 March 2025
Calbayog City
Entertainment

OPM, ipinagdiwang sa 16th PMPC Star Awards for music

NAKAPAG-uwi sina Gary Valenciano, Gloc-9, at SB19 ng mga parangal mula sa 16th PMPC Star Awards for Music, sa Makati City, kung saan ipinagdiwang ang Original Pilipino Music (OPM).

Pinagkalooban si Mr. Pure Energy, Gary V. Ng Pilita Corales Lifetime Achievement Award, dahil sa kanyang malawak na impluwensya sa music industry.

Tinanggap din nilang dalawa ni Gloc-9 ang isang award para sa kanilang collaboration ng “Walang Pumapalakpak.”

Nasungkit naman ng sb19 na isa sa major winners, ang Song of the Year para sa kanilang hit na “Gento,” na kinilala rin bilang Dance Recording of the Year.

Napanalunan din ng P-pop group ang Album of the Year para sa “Pagtatag!” At ang duo/group concert Performer of the Year Award para sa kanilang “Pagtatag World Tour… Manila.”

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).