15 January 2026
Calbayog City
Province

DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon

PUSPUSAN ang repacking na ginagawa ng mga volunteer ng Department of Social Welfare and Development para matiyak ang sapat na suplay ng Family Food Packs.

Ayon sa DSWD, tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng kanilang mga volunteer sa Luzon Disaster Resource Center sa Pasay City, upang masiguro ang mabilis na pag-replenish ng food packs sa gitna ng nararanasang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. 

Kabilang sa mga volunteer na tumutulong sa repacking ay pawang mula sa Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at Regis Marie College.


ayon sa DSWD marami ding dumadating na walk-in volunteers na naglalaan ng kanilang panahon at lakas para sa mga nangangailangan ng tulong sa Bicol.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).