DALAWA katao ang nasugatan sa sumiklab na sunog sa residential area sa Sta. Cruz, Maynila.
Isang fire volunteer at isang residente ang kapwa nagtamo ng minor injuries, sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
ALSO READ:
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), siyam na kabahayan ang naapektuhan ng sunog sa Milagros Street, sa Barangay 317.
Kabuuang dalawampu’t apat na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na inaalam pa ang pinagmulan.
Tinaya naman sa animnaraang libong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.