Ilang bayan sa Batangas ang apektado ng volcanic smog o vog matapos magbuga ang bulkang Taal ng 10,933 metric tons ng sulfur dioxide, tatlong araw bago ang ika-apat na anibersaryo ng pagputok ng bulkan.
Kabilang sa mga apektado Calaca City, Alitagtag, San Nicolas, Tuy, Barangay Banyaga, Agoncillo at Barangay Boso-boso sa Laurel.
Nilinaw naman ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head, Dr. Amor Calayan, na minimal lamang ang epekto ng vog, at patuloy ang kanilang monitoring sa mga apektadong lugar.