BUMUO ang Office of the Ombudsman ng Special Panel of Prosecutors para siyasatin ang mga maanomalyang Flood Control Projects.
Ang hakbang ay alinsunod sa mandato ng Ombudsman na imbestigahan, nang may pagkukusa, ang anumang pagmamalabis o pagkukulang ng sinumang opisyal ng pamahalaan o empleyado, opisina o ahensya, kapag ang hakbang ay lumilitaw na iligal, hindi makatarungan, mali, o hindi epektibo.
Ang Special Panel of Investigators ay pamumunuan nina Assistant Ombudsman Caesar Asuncion at Assistant Ombudsman Maria Olivia Elena Roxas ng Field Investigation Office I.
Habang ang mga miyembro ay binubuo nina Maria Jennifer Lacea, Marie Beth Lamero, Maria Karen Veloso, Frederick Aguilar, at Carmelo Gines Jr.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naglunsad ng crackdown sa ghost, o kung hindi man ay palpak na Flood Control Projects noong nakaraang buwan.




