KABUUANG 1,370 classrooms ang napaulat na nasira bunsod ng bagyong Opong at ng Habagat.
Batay sa Situation Report ng Department of Education (DepEd), mula sa kabuuang bilang, 891 classrooms ang nagtamo ng Minor Damage; 225 ang nagkaroon ng Major Damage; habang 254 ang Totally Damaged.
ALSO READ:
Full online classes sa kolehiyo, aprub sa CHED
Kamara, pinagkokomento ng Supreme Court sa inihaing petisyon ni VP Sara
166 pang pinoy galing kuwait, pauwi na ng bansa; mga umuwing ofw, hinahanapan na ng bagong trabaho
DTI, tiniyak na walang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing produkto hanggang sa katapusan ng Abril
Inihayag din ng DepEd na 13.3 million learners at 569,000 personnel mula sa 23,796 public schools sa labintatlong rehiyon ang naapektuhan ng masamang panahon.
Karamihan sa mga naapektuhang mag-aaral ay mula sa Bicol Region, Eastern Visayas, Calabarzon, Central Luzon, at MIMAROPA.
Nakapagtala rin ang DepEd ng 121 schools na nagsisilbing Evacuation Centers.
