NAPILITANG magpakawala ng tubig ang Bustos Dam sa bulacan ng 1,300 cubic meters per second makaraang lumagpas sa spilling level ang kapasidad nito, sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Sa Marilao, ilang residente ang hindi pa makauwi sa kanilang mga tahanan dahil sa hanggang tuhod na tubig-baha.
Mas malala naman ang baha sa ibang bayan sa Bulacan, kabilang na ang ilang bahagi ng Barangay San Jose sa Sta. Maria.
Sinabi ni Marilao MDRRMO Chief Mark Joseph Guillermo na naobserbahan nila ngayon na mas marami ang nag-e-evacuate habang pataas ang tubig kumpara noong manalasa ang Bagyong Carina.