13 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Ogie Diaz, nagsampa ng kontra-demanda laban kay Bea Alonzo

NAGHAIN ng counter-affidavit si Ogie Diaz sa Cyberlibel Complaint na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo.

Sinabi ng abogado ni Diaz na si Atty. Regie Tongol, na naghain ang kanyang  kliyente ng counter-charge na perjury with damages laban sa aktres sa Quezon City Regional Trial Court.

Noong Mayo ay nagsampa si Bea ng tatlong magkakahiwalay na criminal  cases para sa cyberlibel laban kina Ogie at Cristy Fermin, kasama ang kanilang co-hosts sa kani-kanilang online programs.

Sa kaparehong buwan ay nagbigay ng reaksyon ang talent manager at sinabi nitong tutugunan nito ang isyu sa tamang panahon.

Nag-ugat ang kaso sa naunang pagbubunyag ng mga naturang showbiz insiders tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *