NAPASAKAMAY ng Boston Celtics ang ika-labing walong titulo sa NBA makaraang tambakan ang Dallas Mavericks sa score na 106-88 sa game 5.
Pinangunahan ni Jayson Tatum ang Celtics sa kanyang 31 points, 8 rebounds, at 11 assists habang nag-ambag si Jaylen Brown ng 21 markers, 8 boards, at 6 dimes.
Namayagpag ang Boston sa kanilang 3-0 lead sa best-of-seven series, bago naiwasan ng Mavs ang sweep sa impresibong 122-84 win sa game 4.
Gayunman, bumawi ang Celtics sa muli nilang paghaharap kahapon at tuluyan na ngang nasungkit ang kampeonato.
Samantala, tinanghal si Brown bilang 2024 NBA Finals MVP matapos mag average ng 20.8 points, 5.4 rebounds, at 5.0 assists sa Best-Of-Seven Series.