PLANO ng gobyerno na umutang ng 585 billion pesos mula sa domestic market sa ikalawang quarter.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang borrowing plan para sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo ay 11.42 percent na mas mataas kumpara sa revised 525-billion peso borrowing plan para sa unang quarter.
Sa buwan ng Abril, target ng pamahalaan na makautang ng 195 billion pesos, na mas mataas ng 8.33% kumpara sa 180 billion pesos na borrowing plan ngayong Marso.