22 November 2024
Calbayog City
Local

Isla sa Biliran, magkakaroon na ng kauna-unahang istasyon ng bumbero sa susunod na taon

MAGKAKAROON na ang isla ng Maripipi sa Biliran Province ng kauna-unahang istasyon ng bumbero sa susunod na taon.

Ang 10-million peso fire station ay itatayo sa 400-square-meter na lote na donasyon ng lokal na pamahalaan, malapit sa munisipyo sa Barangay Ermita.

Nabatid na sinimulan ang proyekto na pinondohan ng Bureau of Fire Protection noong Setyembre at target itong makumpleto pagsapit ng Hunyo sa susunod na taon.

Sinabi ni Mayor Joseph Caingcoy na isa ito sa kanyang priority projects dahil hindi sila accessible by land mula sa mainland ng Biliran.

Ang Maripipi ay isa sa walong bayan sa Biliran Province, na accessible mula sa mainland sa pamamagitan ng tatlumpung minutong biyahe sa bangka mula sa Kawayan town port.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).