Tampok ngayon ang likha ng isang Calbayognon artist, sa Nikoi Island sa Indonesia.
Si Florence Cinco ay nasa kanyang 45-day Ubah Rumah Artist Residency, kung saan matatagpuan ang kanyang pinakahuling obra na “Unglo,” isang nilalang mula sa waray mythology na gawa sa driftwood, sa Nikoi na isang magandang isla sa Bintan.
Sa isang panayam, sinabi ni Cinco na ginamit niya ang karakter mula sa waray mythology upang palawakin ang ating kaalaman sa mundo at sa kalikasan.
Unang nagkamit ng national recognition si Cinco nang manalo ito ng grand prize sa sculpture category sa 2004 Metrobank Art and Excellence National Art Competition.
Nang sumunod na taon ay nasungkit din nito ang grand prize sa mixed media category sa 58th Art Association of the Philippines (AAP) Annual National Art Competition.
Nakatanggap din si Cinco ng international recognition, makaraang manalo ng excellence award sa Shanghai International Contemporary Art Exchange Exhibit noong 2017 at sa 3rd Malaysia Biennial noong 2018.