NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) na maaaring ma-blacklist ang mga importer ng mga bigas na overstaying na sa mga pier sa Maynila.
Ang pahayag ay ginawa ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. kasunod ng pagkakatuklas sa halos 900 na container vans na nakatengga sa mga pier sa Maynila.
ALSO READ:
PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal
Pilipinas at Canada, nilagdaan ang Status of Visiting Forces Agreement
Mahigit 1,000 katao, dinakip bunsod ng iba’t ibang krimen sa paggunita ng Undas
Rice Import Ban, inaprubahan ni Pangulong Marcos hanggang sa katapusan ng 2025
Ang nasabing mga van ay naglalaman ng 20,000 metriko toneladang imported na bigas.
Sa kabila ng babala ay tiniyak ni Laurel na dadaan sa due process ang imbestigasyon sa usapin kabilang ang pagtukoy kung bakit napakatagal ng nakatengga sa pier ang mga bigas.
