KADALASANG nakapagtatala ng pagtaas ng road crash incidents kapag ganitong panahon ng Semana Santa kung saan maraming motorista ang bumibiyahe.
Kaya naman tiniyak ng Department of Health na bukas 24/7 ang emergency rooms ng mga DOH hospital.
ALSO READ:
Batay sa datos ng ahensya noong 2025 Holy Week, nakapagtala ng four hundred thirty-seven na road crash injuries.
Mas mababa ito ng thirty-one percent kumpara sa naitalang six hundred thirty-one cases noong 2024 Holy Week.
Ang pinakamaraming insidenteng naitala ay kinasasangkutan ng motorsiklo.
Paalala ng DOH, bago bumiyahe tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan.
At kung nakamotor, dapat gumamit ng DTI-approved helmet.




