15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Nigerian Army, nailigtas ang mga dinukot na Kaduna Students

NASAGIP ng Nigerian Army ang mga estudyante at staff na dinukot ng armadong kalalakihan mula sa isang eskwelahan, ilang araw bago ang deadline para sa ransom payment.

March 7 nang dukutin ang dalawandaan walumpu’t pitong estudyante sa bayan ng Kuriga, sa Northwestern State ng Kaduna.

Ayon sa military spokesperson, 137 students na kinabibilangan ng 76 na mga babae at 61 na mga lalaki ang nailigtas sa katabing estado na Zamfara.

Unang isinagawa ng Jihadist Group na Boko Haram ang pagdukot sa Nigerian Schools kung saan 276 na mga estudyanteng babae ang tinangay sa Chibok, Borno State, isang dekada na ang nakalipas.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *