ISINAILALIM ng COMELEC sa kanilang kontrol ang bayan ng Buluan sa Maguindanao Del Sur, kasunod ng pananambang sa isang lokal na kandidato sa halalan 2025.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ang desisyon ng En Banc, ay bunsod din ng tumataas na insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksyon sa naturang munisipalidad.
Ang Buluan ang ikalawang lugar sa bansa na isinailalim ng COMELEC sa kanilang kontrol bago ang halalan sa Mayo a-dose.
Nito lamang ding Abril nang isailalim sa COMELEC control ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao matapos masawi ang isang election officer at mister nito sa ambush.
Inihayag ni Garcia na kung ano ang guidelines na inisyu sa Datu Odin Sinsuat, ay kaparehas na polisiya rin ang ipatutupad sa Buluan.