MAGLALARO ang Filipino Basketball Star na si Kai Sotto para sa Yokohama B- Corsairs.
Ang paglipat ni Sotto sa Japan B.League Teams ay sa pamamagitan ng loan basis mula sa Hiroshima Dragonflies, ayon sa Yokohama, at ang transfer period ay nagsimula noong Dec. 26 at tatagal hanggang sa pagtatapos ng 2023-2024 season.
Pinasalamatan ng pinoy player ang B-Cor, at ang organisasyon sa tiwalang ibinigay sa kanya para maglaro sa team, sa kabila nang kagagaling lamang niya sa injury.
Matatandaang nagtamo si Sotto ng back injury nang maglaro siya sa Orlando Magic noong NBA Summer league, at hindi nakapaglaro kahit isang beses para sa Dragonflies.