Bigo ang British nuclear missile test na inilunsad sa dalampasigan ng Florida.
Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng walong taon na pumalya ang trident 2 ballistic missiles ng United Kingdom habang isinaisalalim sa trial.
Ayon sa tagapagsalita ng UK Ministry of Defense, nagkaroon ng anomalya sa test on board ng nuclear-powered submarine na HMS Vanguard.
Una nang nabigo ang Trident Nuclear Deterrent System ng Britain noong June 2016 na inilunsad din sa dalampasigan ng Florida.