Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, 2:19 pm kahapon.
Ayon sa PHILVOCS, ang lindol na tectonic in origin ay mayroong lalim na siyam na kilometro.
Naramdaman ang intensity IV sa Calayan at intensity II sa Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte.
Naitala rin ang instrumental intensities sa Candon, Ilocos Sur; Aparri, Cagayan; at Peñablanca at Gonzaga sa Cagayan.