15 March 2025
Calbayog City
Local

NPA leader patay sa engkwentro laban sa militar sa Eastern Samar

ISANG mataas na lider ng New People’s Army (NPA) ang patay sa engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan, sa Eastern Samar.

Kinilala ng militar ang napaslang na rebelde na si Martin Colima, alyas “Moki,” na mula sa Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng 78th Infantry Battalion ng 8th Infantry Division sa Barangay San Gabriel, sa Borongan City nang makasagupa ang mga rebelde.

Iniwan ng kanyang mga kasamahan si Colima at kabilang sa mga narekober ang isang kalibre kwarenta’y singkong pistola, pitong backpacks at iba’t ibang mga dokumento.

Isang sundalo naman ang nasugatan at dinala sa ospital para malapatan ng lunas.

Ayon kay Lt. Col. Allan Tria, Commanding Officer ng 78IB, ang grupo ni Colima ang responsable sa pagpatay sa anim na sundalo at pagkasugat ng dalawampung iba pa mula sa 14IB sa engkwentro sa Barangay Pinanag-an, Borongan City noong Nov. 11, 2019.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *