Inihain ng 1st Eastern Samar Mobile Force Company sa pangunguna ni PLTCOL Joy G. Leanza, Force Commander ng Dolores MPS sa pangunguna ni PMAJ Arthur A. Diaz ang warrant of arrest.
Nagresulta ito sa pagka aresto sa isang miyembro ng NPA sa kasong tangkang pagpatay na inisyu ni Hon. Renato Noel C. Echague, Presiding Judge ng RTC, 8th Judicial Region Branch 4, Dolores, Eastern Samar noong Pebrero 17, 2022 at may rekomendasyong piyansa sa Php 120,000.00 pesos.
Nakilala ang nasabing miyembro ng NPA na si alyas “Onik”, 22 taong gulang, residente ng Sitio Casapa, Brgy. Denigpian, Dolores, Eastern Samar.
Nasa kustodiya na ng Dolores Municipal Police Station so alyas Onik para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.