NAKAPASOK na ang Northport Batang Pier sa PBA semi finals.
Sinilat ng twice-to-beat na Batang Pier ang Magnolia sa score na 113-110, sa PBA Commissioner’s Cup Quarterfinals para maselyuhan ang spot sa Semis, sa unang pagkakataon simula noong 2019.
Matapos matambakan sa first half sa score na 61-47, bumawi ang Northport sa third period sa pamamagitan ng 36-point romp at nilimitahan ang hotshots sa 15 points para sa score na 83-76 sa pagtatapos ng third quarter.
Nagdikit naman ang laban sa fourth quarter hanggang selyuhan ng free throws Nina Fran Yu at Allyn Bulanadi ang panalo ng Batang Pier.