Ipinagpalit ng Northport ang kanilang main gunner na si Robert Bolick, sa three-team deal kasama ang NLEX at San Miguel na inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office.
Matapos ang apat na seasons sa Northport, maglalaro na ngayon ang 6-foot-1 guard para sa Road Warriors, na naghahanap ng ipapalit sa na-injure na si Kevin Alas na nagtamo ng ACL tear noong nakaraang buwan at inaasahang halos isang taong hindi makapaglalaro.
Tinanggap din ng NLEX ang guard na si Kent Salado bilang bahagi ng transaksyon, kapalit nina Don Trollano, Kris Rosales at Ben Adamos, kasama ang second-round draft pick ng NLEX sa season 49.
Gayunman, ililipat si Trollano sa San Miguel bilang bahagi ng deal habang ipadadala naman ng beermen sina Allyn Bulanadi, Jeepy Faundo, at isang Seacon 51 second-round pick sa Batang Pier.