23 August 2025
Calbayog City
Local

Northern Samar, tatanggap ng 1 bilyong pisong initial funding para sa mahalagang Road Project

IKINATUWA ng mga opisyal sa Northern Samar ang isang bilyong pisong Initial Funding para sa Samar Pacific Coastal Road 2 (SPCR 2) Project sa ilalim ng 2026 Budget.

Saklaw ng proyekto ang konstruksyon ng 800-meter bridge na pinangalanang Laoang Bridge 2 na nag-uugnay sa Barangay Talisay at Poblacion sa Laoang, pati na ang 605-meter na Laoang Bridge 3 na nagdurugtong naman sa mga Barangay Calomotan at Pangpang sa bayan ng Palapag.

Nagpasalamat naman si Governor Harris Ongchuan na siyang nag-lobby para sa proyekto sa nakaraang 19th Congress, sa National Government sa matibay na suporta sa kanyang inisyatiba.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).