13 November 2025
Calbayog City
Local

Northern Samar, nakapagtala ng 0 Casualties kasunod ng Super Typhoon Uwan

KINUMPIRMA ng Northern Samar Provincial Government na Zero Casualties ang kanilang lalawigan, kasunod ng pag-landfall ng Super Typhoon Uwan, noong Linggo, at nananalasa sa lugar ng labing walong oras taglay ang mapaminsalang hangin at ulan.

Batay sa Reports na isinumite sa Northern Samar Emergency Operations Center, binerepika ng lahat ng Local Government Units na walang nasawi sa kani-kanilang nasasakupan, sa kabila ng malawak na pinsala ng bagyo.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).