NAGLABAS ang Northern Samar Provincial Government ng kabuuang 1.33 million pesos na halaga ng stipends at allowances sa tatlumpu’t isang nursing scholars.
Bahagi ito ng patuloy kanilang patuloy na commitment na suportahan ang future healthcare workforce ng lalawigan.
ALSO READ:
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
DPWH personnel sa Northern Samar, patay sa pamamaril
Eastern Visayas, inihahanda ng DOT bilang tourism investment hub
Bawat scholar ay tumanggap ng 43,000 pesos para sa stipend, book at uniform allowances, na makatutulong para makabawas sa kanilang gastusin pagpasok nila sa second semester ng Academic Year 2025-2026.
Bukod sa allowances na direktang ibinigay sa mga estudyante, sagot din ng Provincial Government ang related learning expenses ng mga scholar, na kanilang binayaran sa partner schools.
