NAGLABAS ang provincial government ng Northern Samar ng executive order para higpitan ang pagbiyahe ng mga baboy at pork products sa tatlong bayan sa loob ng isang buwan upang mapigilan ang paglaganap ng African Swine Fever (ASF).
Nakasaad din sa E.O. No. 25-02-01 na nilagdaan ni Governor Edwin Ongchuan, dapat maglatag ng quarantine checkpoints sa boundaries ng Las Navas, Catubig, at Laoang.
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
DPWH, magpapatupad ng 15-Ton Load Limit sa Calbiga Bridge sa Samar
85 child laborers sa Northern Samar, tumanggap ng tulong sa ilalim ng Project Angel Tree ng DOLE
Eastern Visayas, nagpadala ng inuming tubig sa Cebu
Upang palakasin ang pagpapatupad ng E.O., binuhay ang provincial at municipal ASF task force, gayundin ang quarantine checkpoints, sa pamumuno ng provincial veterinary office.
Batay sa kopya ng kautusan na ibinahagi ng provincial government sa social media pages, papayagan lamang ang pag-transport ng mga buhay na baboy, fresh o frozen pork, at processed pork products kapag may proper documentation, kabilang ang veterinary health certificates at official receipts mula sa awtorisadong sellers.