IBINIDA ni North Korean Leader Kim Jong Un na ipinatutupad na sa kanilang bansa ang nuclear force contruction policy para dumami ang kanilang nuclear weapons.
Sa kanyang talumpati sa founding anniversary ng North Korea, sinabi ni Kim na dapat nilang paghandaan ang kanilang “nuclear capability” at ang paggamit sa mga ito, anumang oras na kailanganin, upang matiyak ang karapatan sa seguridad ng estado.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Idinagdag ng North Korean Leader na kinakailangan ng malakas na presensyang militar sa pagharap sa iba’t ibang banta na ikinakasa ng united states at mga tagasunod nito.
Inihayag din ni Kim na nahaharap ang North Korea sa matinding banta mula aniya sa US-Led Nuclear-Based Military Bloc sa rehiyon.
