SINUSPINDE ang face-to-face classes sa Corona A. Cabanilla National High School sa Don Marcelino, Davao Occidental, makaraang isang estudyante ang nakaranas ng medical incident na sinundan ng pagbabago ng pakiramdam ng ilan sa mga kaklase nito.
Batay sa report, sinabi ng School President na isang mag-aaral nila ang isinugod sa health center dahil nahirapang huminga.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Samantala, ang ibang mga estudyante naman, mula grades 7 hanggang 10 ay nakaranas ng panghihina at nagsimulang magpumiglas o magwala.
Maayos na ang kondisyon ng dalawampu’t apat na mag-aaral habang inaasahang babasbasan ng pari ang paaralan ngayong miyerkules.
