Naglunsad ang North Korea ng Live-Fire Drills sa kanilang Western Coast, sa ikatlong sunod na araw ng kanilang military exercises malapit sa kanilang ipino-protestang Maritime Border sa South Korea.
Ayon sa Seoul Military, nagsagawa ang North Korea ng Artillery Fire na may 90 rounds sa hilaga ng Yeonpyeong Island kahapon.
Sinabi naman ng North Korea na naglunsad sila ng “Maritime Live-Fire Training” gamit ang 88 rounds ng artillery subalit ang drills ay “directionally unrelated” sa Maritime Border.
Iginiit din ng Pyongyang na hindi naman nagdulot ng International Threat sa South Korea at bahagi lamang ito ng kanilang Normal Training System ng kanilang military.